Yan Zabolotnyi/stock.adobe.com
PATULOY NA MAGBANTAY!
Dumaraming Krimen sa Buong Mundo—Ang Sinasabi ng Bibliya
Sa Haiti, marami ang biktima ng mga krimen na ginagawa ng mga gang. Marami rin ang apektado ng karahasan sa South Africa at Mexico, pati na sa ibang mga bansa sa Latin America. Kahit sa mga lugar na bumaba ang karahasan, marami pa rin ang natatakot dahil sa mga balita ng pagnanakaw, bandalismo, at panununog ng ari-arian.
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga krimen na nangyayari sa buong mundo?
Ang inihula ng Bibliya tungkol sa mga krimen at kasamaan
Inihula ng Bibliya na ang mga krimen at kasamaan ay bahagi ng tanda “ng katapusan ng sistemang ito.” (Mateo 24:3) Nang sabihin ni Jesus ang mga pangyayari na kasama sa tandang iyan, sinabi niya:
“Dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.”—Mateo 24:12.
Inihula ng Bibliya na “sa mga huling araw,” ang mga tao ay magiging “walang pagpipigil sa sarili, mabangis, [at] napopoot sa kabutihan.” (2 Timoteo 3:1-5) Dahil sa mga katangiang ito, mas dumarami ang mga krimen at karahasan ngayon.
Pero may pag-asa! Ipinapangako ng Bibliya na malapit nang mawala ang kasamaan.
“Kaunting panahon na lang at ang masasama ay mawawala na; titingnan mo ang dati nilang kinaroroonan, pero hindi mo sila makikita roon. Pero ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.”—Awit 37:10, 11.
Para malaman ang mensahe ng pag-asa na nasa Bibliya at kung bakit ka makakapagtiwala na katuparan ng mga hula sa Bibliya ang mga nangyayari ngayon, basahin ang mga artikulong ito:
“Makakaasa Ka sa Isang Magandang Kinabukasan”
“Ano ang Tanda ng ‘mga Huling Araw,’ o ‘Katapusan ng Panahon’?”
“Inihula Ba ng Bibliya na Magiging Ganito ang Ugali ng mga Tao sa Ngayon?”