Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwfq artikulo 61
  • Paano Ginagamit ng mga Saksi ni Jehova ang mga Donasyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ginagamit ng mga Saksi ni Jehova ang mga Donasyon?
  • Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Halimbawa ng mga Gawain Namin
  • Paano Tinutustusan ang Aming Gawain?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • “Isang Kaloob Para kay Jehova”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Bakit Dapat Magbigay sa Nagmamay-ari ng Lahat ng Bagay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Saan Nagmumula ang Pondo ng Aming Pandaigdig na Gawain?
    Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
Iba Pa
Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
ijwfq artikulo 61
Mga larawan: Iba’t ibang gawain ng mga Saksi ni Jehova na sinusuportahan ng mga donasyon. 1. Mga Saksing nagtatayo ng Kingdom Hall. 2. Isang Saksing nag-aabot ng tubig sa isang babae pagkatapos ng sakuna. 3. Malapit sa isang cart, ipinapakita ng isang Saksi sa isang babae ang brosyur na “Masayang Buhay Magpakailanman.”

Paano Ginagamit ng mga Saksi ni Jehova ang mga Donasyon?

Ginagamit namin ang mga donasyon para sa mga relihiyosong gawain at pagkakawanggawa ng aming organisasyon. Ginagawa namin ang mga ito para suportahan ang pangunahin naming tunguhin na tulungan ang mga tao na maging alagad ni Kristo Jesus.​—Mateo 28:19, 20.

Hindi namin ginagamit ang mga donasyon para payamanin ang sinumang tao. Wala kaming sinusuwelduhang mga elder o ministro, at hindi rin binabayaran ang mga Saksi ni Jehova para magbahay-bahay. Ang mga naglilingkod sa mga tanggapang pansangay at sa pandaigdig na punong-tanggapan, pati na ang mga bumubuo sa Lupong Tagapamahala, ay di-sinusuwelduhang mga miyembro ng isang relihiyosong organisasyon.

Halimbawa ng mga Gawain Namin

  • Paglalathala: Bawat taon, nagsasalin, nag-iimprenta, nagpapadala, at namamahagi kami ng milyon-milyong Bibliya at iba pang Kristiyanong publikasyon nang walang bayad. Bukod diyan, available din ang mga publikasyon namin sa aming website na jw.org at sa app na JW Library, at lahat ng ito ay libre o walang advertisement.

    Isang Saksi ni Jehova na nagche-check ng bagong imprentang Bibliya sa printery.
  • Pagtatayo at Pagmamantini: Nagtatayo at nagmamantini kami ng mga simpleng lugar ng pagsamba sa buong mundo na magagamit ng mga kongregasyon para magtipon at sumamba sa Diyos. Nagtatayo at nagmamantini rin kami ng mga tanggapang pansangay at translation office. Karamihan sa mga gawaing ito ay ginagawa ng mga boluntaryo, kaya malaki ang natitipid namin.

    Isang Saksing nagtatayo ng scaffolding sa labas ng gusaling ginagamit sa pagsamba.
  • Pangangasiwa: Ang mga gawain sa pandaigdig na punong-tanggapan, mga tanggapang pansangay, at translation office, pati na ang gawain ng mga naglalakbay na tagapangasiwa, ay sinusuportahan ng mga donasyon sa aming pambuong-daigdig na gawain.

    Isang Saksi ni Jehova na nagtatrabaho sa opisina.
  • Pangangaral: Hindi binabayaran ang mga Saksi para mangaral ng mabuting balita o ituro sa iba ang “salita ng Diyos.” (2 Corinto 2:17) Pero gaya ng ilang unang-siglong Kristiyano, ang ilang pinili at sinanay na ministro na gumagamit ng maraming panahon sa pangangaral ay binibigyan ng simpleng tahanan at pangunahing pangangailangan.​—Filipos 4:16, 17; 1 Timoteo 5:17, 18.

    Isang mag-asawang Saksi na nasa ministeryo. Ipinapapanood nila ang isang salig-Bibliyang video sa lalaki.
  • Pagtuturo: Ginagamit din namin ang mga donasyon para sa mga asamblea at kombensiyon, pati na sa mga salig-Bibliyang audio at video program. May mga paaralan din kami na nagsasanay ng mga elder at buong-panahong ministro para maging mas mahusay sila sa kanilang atas.

    Mga dumalo sa kombensiyon sa isang arena na nanonood ng video.
  • Pagtulong Kapag May Sakuna: Tinutulungan namin ang mga biktima ng sakuna na magkaroon ng pagkain, tubig, at matutuluyan. Ang mga gawaing ito ay hindi lang nakakatulong ‘sa mga kapananampalataya namin,’ kundi pati na sa mga di-Saksi.​—Galacia 6:10.

    Sa loob ng isang bodega, inaayos ng mga Saksi ang mga relief goods.
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share