Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwfq artikulo 63
  • Kontra Ba ang mga Saksi ni Jehova sa Bakuna?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kontra Ba ang mga Saksi ni Jehova sa Bakuna?
  • Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Nagpapagamot ba ang mga Saksi ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ang Pipiliin Mong Paraan ng Paggamot—Mahalaga ba Ito?
    Gumising!—2001
  • Nagpapagamot ba ang mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Maghanda Na Ngayon Para sa Medical Emergency
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
Iba Pa
Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
ijwfq artikulo 63
Mga gamit sa pagbabakuna kasama na ang hypodermic syringe at mga vaccine bottle.

Kontra Ba ang mga Saksi ni Jehova sa Bakuna?

Hindi kontra ang mga Saksi ni Jehova sa bakuna. Personal na desisyon ng bawat Kristiyano ang pagpapabakuna. Marami sa mga Saksi ni Jehova ang nagpapabakuna.

Gusto namin ng mahuhusay na paraan ng paggamot at pinapahalagahan namin ang mga pagsulong sa medisina para maiwasan ang malulubhang sakit. Nagpapasalamat kami sa mga pagsisikap at dedikasyon ng mga propesyonal sa medisina, lalo na sa panahon ng krisis.

Nakikipagtulungan ang mga Saksi ni Jehova sa mga public health official. Halimbawa, mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic, patuloy ang mga Saksi ni Jehova sa pagbibigay ng mga paalaala na makikita sa website na ito sa napakaraming wika. Pinapatibay nila ang mga tao na sundin ang mga safety protocol sa kanilang lugar. Kasama na rito ang pagsunod sa physical distancing, mga regulasyon sa pagtitipon, at quarantine, pati na ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at iba pang ipinag-uutos o inirerekomenda ng mga awtoridad.—Roma 13:1, 2.

Maraming taon nang itinatampok sa mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova ang sumusunod na mga prinsipyo:

  • Ang pagpapagamot ay personal na desisyon ng isa.—Galacia 6:5.

    “[Ang magasing ito] ay hindi nagrerekomenda ng anumang uri ng gamot o therapy, at hindi nagpapayo sa panggagamot. Nagbibigay lang ito ng mga impormasyon at bahala na ang mga mambabasa na magdesisyon.”—Awake!, February 8, 1987.

    “Ang suliranin kung dapat na pabakuna kayo at ang inyong mga anak ay isang bagay na personal na kapasiyahan.”—Gumising!, Pebrero 22, 1966.

  • Nagpapagamot tayo kasi napakahalaga sa atin ng buhay.—Gawa 17:28.

    “Ginagamit ng mga saksi ni Jehova ang sarisaring karunungan sa medisina upang malunasan ang kanilang mga sakit. Ibig nilang mabuhay at nais nilang gawin ang anumang makatuwiran at maka-Kasulatan upang mapahaba ang buhay.”—Ang Bantayan, Enero 1, 1976.

    “Ang mga Saksi ni Jehova ay nagpapagamot. Gusto nilang manatiling malusog at mapahaba ang kanilang buhay. Sa katunayan, gaya ng unang-siglong Kristiyano na si Lucas, may mga doktor na Saksi ni Jehova. . . . Pinahahalagahan ng mga Saksi ni Jehova ang pagsisikap at dedikasyon ng mga manggagamot. Tinatanaw nilang malaking utang na loob ang panggagamot sa kanila ng mga indibiduwal na ito.”—Ang Bantayan, Pebrero 1, 2011.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share