Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 6
  • Bakit Parang Ayaw ng mga Magulang Ko na Mag-enjoy Ako?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Parang Ayaw ng mga Magulang Ko na Mag-enjoy Ako?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit lagi na lang akong hindi pinapayagan ng mga magulang ko?
  • Paano ko kaya mapapapayag ang mga magulang ko?
  • Bakit ang Higpit sa Bahay?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Bakit Bawal Akong Mag-enjoy?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Bakit Pinagbabawalan Akong Mag-enjoy ng mga Magulang Ko?
    Gumising!—2011
  • Paano Kung Nag-aaway Sina Tatay at Nanay?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 6
Kabataang lalaki na nakikipag-usap sa mga magulang niya. Makikita sa mga speech bubble sa harap niya ang isang video-game controller, mga kabataang nagsasayawan, at isang skateboard. Nakahalukipkip ang kamay ng mga magulang niya at dismayado.

TANONG NG MGA KABATAAN

Bakit Parang Ayaw ng mga Magulang Ko na Mag-enjoy Ako?

Niyaya kang mag-party ng mga kaibigan mo sa weekend. Nagpaalam ka sa mga magulang mo, pero hindi ka nila pinayagan. Hindi ka na nagtaka kasi hindi ka rin nila pinayagan dati.

Sa artikulong ito

  • Bakit lagi na lang akong hindi pinapayagan ng mga magulang ko?

  • Paano ko kaya mapapapayag ang mga magulang ko?

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Bakit lagi na lang akong hindi pinapayagan ng mga magulang ko?

Kapag parang lagi kang hindi pinagbibigyan ng mga magulang mo, baka maisip mo na ayaw ka nilang mag-enjoy.

Ganiyan ang naramdaman ng tin-edyer na si Marie nang una siyang magka-cellphone. Sabi niya: “Ang daming ipinagbawal ni Dad. May mga app na ’di ko puwedeng i-download. Limitado rin ang mga tao na puwede kong kausapin, at kung hanggang anong oras lang ako puwedeng makipag-usap sa kanila. Pero y’ong mga kaibigan ko, kahit ano, puwede nilang gawin!”

Pag-isipan: Talaga bang ayaw ng daddy ni Marie na mag-enjoy ito? May iba kayang ipinag-aalala ang daddy niya?

Sasakyang tumatakbo sa daan. Sa tabi ng daan, makikita ang speed limit na 50. Sa inset, makikita sa speedometer ng sasakyan ang bilis ng takbo nito na 50.

Nalilimitahan ng speed limit ang gusto mong gawin, pero napoprotektahan ka nito sa aksidente. Ganiyan din pagdating sa mga limitasyong ibinibigay ng mga magulang

Subukan ito: Kunwari, magulang ka at may tin-edyer kang anak na ngayon lang nagka-cellphone. Mag-aalala ka ba? Ano kayang ipagbabawal mo para maprotektahan mo siya? Paano kung sabihin niyang parang ayaw mo siyang mag-enjoy? Ano’ng isasagot mo?

“Laging sinasabi ni Daddy, ‘Subukan mong lumagay sa sitwasyon ko.’ Nakatulong sa ’kin iyon na makita kung bakit mahalaga ang mga rule niya at kung bakit niya ipinapagawa ang mga ’yon. Siguro kung magkakaanak ako, gusto kong sundin rin nila ako, gaya ng gusto ng daddy ko na gawin ko.”—Tanya.

Paano ko kaya mapapapayag ang mga magulang ko?

Kabataang lalaki na dismayado at nakahalukipkip ang kamay habang may lumalabas na usok sa tainga niya.

Huwag mong gawin ito: Magmukmok, magreklamo, o makipagtalo.

Kabataang lalaki na dismayado at nakahalukipkip ang kamay habang may lumalabas na usok sa tainga niya.

“Walang maitutulong kung magsisigawan kayo ng mga magulang mo. Pareho lang kayong mapapagod. Kapag nakipagtalo ka, iisipin ng mga magulang mo na immature ka at lalo ka lang nilang hihigpitan.”—Richard.

Subukan ito: Huwag kaagad mag-react. Tingnan ang sitwasyon kung paano iyon tinitingnan ng mga magulang mo. Pag-isipan: Wala ba talaga silang tiwala sa iyo? O nag-aalala lang sila sa mga kalagayan ng pupuntahan mo o sa mga taong makakasama mo? Bakit hindi mo subukang makipag-usap sa kanila nang kalmado para malaman mo kung ano ang dahilan nila?

Bombilya.

Tip: Kapag nakikipag-usap sa mga magulang mo, ipaliwanag ang mga plano mong gawin para hindi sila mag-alala. Kung hindi pa rin pumayag ang mga magulang mo, kahit paano, maiintindihan nila ang iniisip mo. At baka maintindihan mo rin ang iniisip nila.

“Laging maganda ang intensiyon ng mga magulang ko kapag nagbibigay sila ng mga rule. Hindi naman talaga nila ako pinipigilang mag-enjoy. Gusto lang nilang mag-enjoy ako nang walang magiging problema.”—Ivy.

Prinsipyo sa Bibliya: “Inilalabas ng mangmang ang lahat ng galit niya, pero nananatiling kalmado ang marunong.”—Kawikaan 29:11.

Kabataang babae na nakikipag-text at gumagamit ng social media kahit gabing-gabi na.

Huwag mong gawin ito: Patagong suwayin ang mga magulang mo.

Kabataang babae na nakikipag-text at gumagamit ng social media kahit gabing-gabi na.

“Hindi ko sinusunod ang mga limitasyong ibinigay ni Daddy sa paggamit ng cellphone. Gumagawa ako ng paraan para makapag-message sa mga kaibigan ko kahit gabing-gabi na, o ma-download ang mga app na ipinagbawal ni Daddy. Di-nagtagal, nahuli rin niya ako kaya lalo niya akong hinigpitan kasi wala na siyang tiwala sa ’kin. Hindi talaga magandang sumuway sa mga restriksiyon.”—Marie.

Subukan ito: Ipakita sa mga magulang mo na kaya mong sumunod sa mga restriksiyon nila, at makukuha mo ang tiwala nila.

Bombilya.

Tip: Kapag tinanong ka ng mga magulang mo (“Sino ang mga pupunta sa gathering?” “Anong oras ka uuwi?”), sumagot nang malinaw at sabihin mo ang totoo. Hindi mo makukuha ang tiwala nila kung malabo ang mga sagot mo.

“Maghintay. Baka hindi agad i-adjust ng mga magulang mo ang mga rule nila. Pero kapag nakikita nilang sinusunod mo ang mga ’yon, baka payagan ka na nila sa ibang mga bagay.”—Melinda.

Prinsipyo sa Bibliya: “Maging masunurin kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng bagay.”—Colosas 3:20.

Kabataang lalaki na nagmamakaawa. Makikita sa mga speech bubble harap niya ang tatlong ibang pang tin-edyer.

Huwag mong gawin ito: I-pressure ang mga magulang mo. Halimbawa, sabihin na ’buti pa y’ong ibang mga kaedad mo, pinapayagan ng mga magulang nila.

Kabataang lalaki na nagmamakaawa. Makikita sa mga speech bubble harap niya ang tatlong ibang pang tin-edyer.

“Kung ipipilit mo y’ong gusto mo, hindi iyon makakatulong para gumanda ang sitwasyon, o mangyari ang gusto mo.”—Natalie.

Subukan ito: Gamitin ang worksheet na “Reasoning on the Rules.” Matutulungan ka nito na ipakipag-usap sa mga magulang mo ang tungkol sa mga rule nila.

Bombilya.

Tip: Makipag-usap sa mga magulang mo kapag relax sila—hindi kapag kakauwi lang nila galing trabaho o kapag may iba silang iniisip o ginagawa.

“Gusto ng mga magulang na makitang kaya mong magdesisyon nang tama. Pinag-iisipan kong mabuti ang mga sasabihin ko, imbes na maging emosyonal. Kapag ganoon ang ginagawa ko, mas pinapayagan nila ako.”—Joseph.

Prinsipyo sa Bibliya: “Parangalan mo ang iyong ama at ina.”—Efeso 6:2.

Ang sinasabi ng ibang kabataan

  • Si Isabella.

    “Natutuhan ko na mahalagang may mga rule sa pamilya para maging maayos ito. Ang totoo, proteksiyon ang mga rule. Kadalasan na, may ipinag-aalala ang mga magulang at may makatuwiran silang dahilan kung bakit parang mahigpit ang isang rule.”—Isabella.

  • Si Michael.

    “Tingin ko y’ong mga kabataang lumaking may mga rule, mas nagiging mabuting tao. Para ma-enjoy natin ang buhay, kailangan talaga may mga boundary. Tinutulungan tayo ng mga ito na maging responsable at hindi mapahamak.”—Michael.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share