Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 76
  • Bakit Magandang Dumalo sa mga Pulong sa Kingdom Hall?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Magandang Dumalo sa mga Pulong sa Kingdom Hall?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano’ng mayroon sa Kingdom Hall?
  • Bakit magandang pumunta ka?
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Ito ang Ating Lugar ng Pagsamba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Mga Kaayusan Para sa mga Lugar ng Pagsamba
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Bakit Dapat Tayong Magtipon Para sa Pagsamba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 76
Isang kabataang lalaki na nakatingin sa mga taong papunta sa Kingdom Hall

TANONG NG MGA KABATAAN

Bakit Magandang Dumalo sa mga Pulong sa Kingdom Hall?

Dalawang beses sa isang linggo, nagtitipon ang mga Saksi ni Jehova sa mga lugar ng pagsamba nila na tinatawag na Kingdom Hall. Ano ang nangyayari doon, at bakit makikinabang ka sa pagdalo?

  • Ano’ng mayroon sa Kingdom Hall?

  • Bakit magandang pumunta ka?

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Ano’ng mayroon sa Kingdom Hall?

Ang Kingdom Hall ay isang sentro na nagtuturo ng praktikal na edukasyon mula sa Bibliya. Ang mga pulong doon ay makakatulong sa iyo na:

  • malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos.

  • maintindihan ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon.

  • maging mas mabuting tao.

  • makahanap ng pinakamabuting mga kaibigan.

Alam mo ba? Tinawag na Kingdom Hall ang lugar kung saan nagtitipon ang mga Saksi ni Jehova dahil madalas talakayin doon ang Kaharian ng Diyos.—Mateo 6:9, 10; 24:14; Lucas 4:43.

Bakit magandang pumunta ka?

Makakatulong sa iyo ang mga tinatalakay roon. Ang mga simulain sa Bibliya na tinatalakay sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova ay makakatulong sa iyo na ‘magtamo ng karunungan.’ (Kawikaan 4:5) Ibig sabihin, matutulungan ka ng Bibliya na gumawa ng magagandang desisyon sa buhay. Makakatulong din ito sa iyo na masagot ang mahahalagang tanong sa buhay, gaya ng:

  • Ano ang kahulugan ng buhay?

  • Ang Diyos ba ang dapat sisihin sa ating pagdurusa?

  • Ano ang nangyayari kapag namatay tayo?

Ang mga ito ay ilan lang sa pamagat ng mga pahayag na ibinibigay sa aming mga pulong kapag weekend:

  • Bakit Dapat Mong Gawing Patnubay ang Bibliya?

  • Saan Ka Makakakuha ng Tulong sa Panahon ng Kabagabagan?

  • Kung Ano ang Ginagawa Ngayon ng Kaharian ng Diyos Para sa Atin.

“Dumalo sa pulong ang kaklase ko. Tumabi siya sa pamilya ko, at ipinagamit namin sa kaniya ang mga libro namin. Pagkatapos, sinabi niya na hangang-hanga siya sa mga komento sa mga bahagi na puwedeng makibahagi ang mga dumalo. Sinabi rin niya na sa simbahan nila, wala silang materyal na pinag-aaralan na kagaya ng sa atin.”—Brenda.

Alam mo ba? Walang bayad ang pagdalo sa Kingdom Hall, at walang nangongolekta ng donasyon.

Mapapatibay ka sa samahan. Sinasabi sa Bibliya na ang isang dahilan kaya dapat magtipon ang mga Kristiyano ay para ‘magpatibayang-loob sa isa’t isa.’ (Hebreo 10:24, 25) Sa panahon ngayon na marami ang makasarili, nakagiginhawa ang mabuting pakikipagsamahan sa mga taong inuuna ang Diyos at ang kapuwa kaysa sa sarili.

“Pagkatapos ng maghapon, minsan nalulungkot ako at pagód, pero laging gumaganda ang pakiramdam ko dahil sa mga tao sa Kingdom Hall. Pag-uwi, masaya ako at handa na namang harapin ang susunod na araw.”—Elisa.

Alam mo ba? Mahigit 120,000 ang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo, na nagtitipon sa mahigit 60,000 lokasyon. Taon-taon, may average na mga 1,500 Kingdom Hall ang itinatayo dahil sa pagdami ng mga dumadalo.a

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Jessica

“Noong high school ako, sumama sa ilang pulong ang isang kaklase ko, at humanga siya kasi iba’t iba ang edad ng mga estudyante sa Bibliya na magkasamang natututo. Kamakailan, dumalo naman ang boss ko, at humanga siya dahil madalas nating gamitin ang Bibliya. Lalong tumibay ang pagpapahalaga ko sa pulong nang makita ko ang pagpapahalaga niya rito!”—Jessica.

Timothy

“Sa pulong, pansamantala kong nalilimutan ang mga problema sa buhay. Natututo kami kung paano magkakaroon ng makabuluhang buhay, magiging mas mabuting tao, at marami pang iba. Pag-uwi galing sa Kingdom Hall, laging masigla at maginhawa ang pakiramdam ko.”—Timothy.

Jacob

“Isang lalaking inimbitahan ko sa pulong ang nagsabi: ‘Dumalo ako para makita kung kaya kong patunayan na mali ang paniniwala n’yo. Pero paniniwala ko pala ang mali!’ Na-impress din siya dahil palakaibigan ang mga Saksi ni Jehova. Sabi niya: ‘Kahit ngayon ko lang kayo nakilala, tinrato n’yo ako na parang matagal na tayong magkakilala!’”—Jacob.

Madison

“Minsan naiisip ko, ‘Uuwi ako agad pagkatapos ng pulong.’ Pero nakakalimutan ko iyon habang nagpupulong. Pagkatapos, nakikipag-usap ako sa mga kapatid at hindi ko maisip kung bakit gano’n ang pakiramdam ko kanina. Kung ’di dahil sa mga pulong, wala akong mabubuting kaibigan ngayon.”—Madison.

a Para makahanap ng lugar ng pulong, pumunta sa seksiyong “Pulong ng Kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova” at i-click ang “Humanap ng Lokasyong Malapit sa Inyo.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share