Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 144
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Cremation?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Cremation?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Mga karaniwang maling akala tungkol sa cremation
  • Puwede ba ang Cremation?
    Gumising!—2009
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Babalik sa Alabok—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2009
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 144
Isang urn ng abo sa tabi ng larawan ng namatay

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Cremation?

Ang sagot ng Bibliya

Walang espesipikong tuntunin ang Bibliya tungkol sa cremation. Wala ring utos ang Bibliya tungkol sa paglilibing o cremation.

May mga ulat sa Bibliya tungkol sa mga tapat na lingkod ng Diyos na naglibing ng kanilang patay. Halimbawa, maraming ginawa si Abraham para makahanap ng lugar na paglilibingan sa kaniyang asawang si Sara.—Genesis 23:2-20; 49:29-32.

Bumanggit din ang Bibliya ng tapat na mga indibiduwal na nagsunog ng labí ng kanilang patay. Halimbawa, noong mapatay sa digmaan si Haring Saul ng Israel at ang tatlo sa kaniyang mga anak, naiwan ang mga bangkay nila sa teritoryo ng mga kalaban at winalang-dangal ang mga ito. Nang mabalitaan ito ng tapat na mga mandirigmang Israelita, kinuha nila ang bangkay ni Saul at ng kaniyang mga anak, sinunog ang mga ito, at inilibing. (1 Samuel 31:8-13) Ipinapakita ng Bibliya na katanggap-tanggap ang ginawa ng mga lalaking iyon sa mga labí.—2 Samuel 2:4-6.

Mga karaniwang maling akala tungkol sa cremation

Maling akala: Winawalang-dangal ng cremation ang katawan ng patay.

Ang totoo: Sinasabi ng Bibliya na ang mga namatay ay bumabalik sa alabok, na natural sa isang bangkay kapag nabubulok ito. (Genesis 3:19) Sa cremation, bumibilis lang ang pagbalik ng katawan sa abo, o alabok.

Maling akala: Noong panahon ng Bibliya, tanging ang mga taong hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang sinusunog pagkamatay.

Ang totoo: Ang mga bangkay ng ilang di-tapat, gaya ni Acan at ng kaniyang pamilya, ay sinunog. (Josue 7:25) Pero hindi naman ito ang karaniwang nangyayari. (Deuteronomio 21:22, 23) Gaya ng nabanggit na, kahit bangkay ng tapat na mga tao ay sinunog pagkamatay nila, gaya ng sa anak ni Haring Saul na si Jonatan.

Maling akala: Hindi kayang buhaying muli ng Diyos ang isang taong na-cremate.

Ang totoo: Tungkol sa pagkabuhay-muli ng mga patay, hindi problema sa Diyos kung ang katawan ng isang tao ay inilibing, na-cremate, nawala sa dagat, o kinain ng mabangis na hayop. (Apocalipsis 20:13) Kayang-kaya ng Makapangyarihan-sa-lahat na bigyan ng bagong katawan ang isang tao.—1 Corinto 15:35, 38.

Cremation o Paglilibing?—Kung Paano Magpapasiya

Isaalang-alang ang sumusunod kapag nagdedesisyon kung ano ang gagawin sa labí ng namatay.

  • Mga kahilingan ng namatay. May mga ulat sa Bibliya kung saan iginalang ng mga miyembro ng pamilya ang desisyon ng isang tao sa kung ano ang gagawin sa kaniyang katawan pagkamatay niya.—Genesis 50:4, 5; Exodo 13:19.

  • Lokal na mga kostumbre. Karaniwan nang nakaaapekto ito sa gagawin sa labí ng namatay. (Juan 19:40) Halimbawa, noong panahon ng Bibliya, nakaugalian na ng mga tao na ilibing ang mga patay. (Genesis 49:31; 1 Samuel 28:3) Kahit ngayon, puwedeng ipasiya ng isa na gawin sa namatay ang ayon sa lokal na mga kostumbre hangga’t hindi ito salungat sa mga simulain sa Bibliya.

  • Legal na mga kahilingan. Pinasisigla tayo ng Bibliya na sumunod sa sekular na mga awtoridad. (Roma 13:1) Sa ilang lugar, may mga batas para sa mga bangkay. Halimbawa, may ilang awtoridad na nagpapatupad ng mga restriksiyon sa kung ano ang puwedeng gawin sa mga abo.

  • Ang mararamdaman ng iba. Hinihimok tayo ng Kasulatan na isipin ang kapakanan ng iba. (Filipos 2:4) Kaya kapag nagpapasiya kung ano ang gagawin sa mga labí ng namatay, maaari nating itanong: Ano ang nadarama ng iba naming kamag-anak tungkol sa cremation o paglilibing? Ano ang tingin dito ng mga tao sa lugar namin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share