Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwwd artikulo 5
  • Ang Panlinis ng Carpenter Ant sa Antena Nito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Panlinis ng Carpenter Ant sa Antena Nito
  • May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Mahusay na Pananggalang sa Init ng Saharan Silver Ant
    Gumising!—2017
  • Langgam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Leeg ng Langgam
    Gumising!—2016
  • Isang Gagamba na Nagbabalatkayong Isang Langgam
    Gumising!—2002
Iba Pa
May Nagdisenyo Ba Nito?
ijwwd artikulo 5
Isang carpenter ant na naglilinis ng kaniyang antena

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Panlinis ng Carpenter Ant sa Antena Nito

Mahalaga ang kalinisan sa mga insekto para sila ay makalipad, makaakyat, at maramdaman ang paligid. Halimbawa, kapag marumi ang antena ng isang langgam, mahihirapan ito sa paglalakbay, komunikasyon, at pagsagap ng amoy. Kaya “hindi ka makakakita ng maruming insekto,” ang sabi ni Alexander Hackmann, isang zoologist. “Nakahanap sila ng paraan para maalis ang dumi sa kanilang katawan.”

Pag-isipan ito: Pinag-aralan ni Hackmann at ng kaniyang mga kasamahan ang paraan ng paglilinis ng isang uri ng carpenter ant (Camponotus rufifemur) sa antena nito. Natuklasan nila na para maalis nito ang iba’t ibang laki ng dumi, binabaluktot ng langgam ang kaniyang binti at pinadaraan dito ang kaniyang antena. Tinatanggal ng malalaking balahibo sa binti ang pinakamalalaking dumi. Nasusuyod naman ng maliliit na balahibo ang mas maliliit na dumi sa mga puwang na kasinliit ng mga buhok sa antena ng langgam. Habang ang pinakamaliliit na dumi—na kasinliit ng 1/80 ng diyametro ng buhok ng tao—ay naaalis ng mas pinong mga balahibo.

Panoorin kung paano naglilinis ng antena ang carpenter ant

Naniniwala si Hackmann at ang kaniyang team na mapapakinabangan sa industriya ang paraang ginagamit ng langgam sa paglilinis ng antena nito. Halimbawa, magagamit ang ganitong paraan para mapanatiling malinis ang paggawa ng napakaliliit na electronic component at semiconductor, na maaaring masira kahit ng kaunting dumi.

Ano sa palagay mo? Ang epektibong pamamaraan ba ng paglilinis ng carpenter ant ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share