30 Katatapos lang pagpalain ni Isaac si Jacob at kaaalis lang ni Jacob sa harap ng ama niyang si Isaac nang dumating ang kapatid niyang si Esau mula sa pangangaso.+
30 At nangyari nga matapos na pagpalain ni Isaac si Jacob, oo, nangyari nga nang si Jacob ay bahagya pa lamang na nakalalabas mula sa harap ng mukha ni Isaac na kaniyang ama, si Esau na kaniyang kapatid ay nagbalik mula sa kaniyang pangangaso.+