-
Ezekiel 20:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
31 At dinurungisan pa rin ba ninyo ang inyong sarili hanggang ngayon sa pamamagitan ng paghahandog sa lahat ng karima-rimarim na idolo ninyo at pagsusunog sa mga anak ninyo?+ Kaya bakit ko nga sasagutin ang tanong ninyo, O sambahayan ng Israel?”’+
“‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘hindi ko sasagutin ang tanong ninyo.+
-
-
Ezekiel 20:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 At sa pagtataas ng inyong mga kaloob kapag pinararaan sa apoy ang inyong mga anak,+ nagpapakarungis ba kayo dahil sa lahat ng inyong mga karumal-dumal na idolo hanggang sa ngayon?+ Kasabay nito ay sasangguni rin ba kayo sa akin, O sambahayan ng Israel?” ’+
“ ‘Buháy ako,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘hindi ninyo ako mapagsasanggunian.+
-