15 Sumagot si Saul: “Kinuha ang mga iyon mula sa mga Amalekita. Hindi nilipol ng bayan ang* pinakamagaganda sa kawan at bakahan para ihandog kay Jehova na iyong Diyos; pero ang lahat ng iba pa ay nilipol namin.”
15 Dito ay sinabi ni Saul: “Dinala nila ang mga iyon mula sa mga Amalekita, sapagkat ang bayan+ ay nahabag sa pinakamainam ng kawan at ng bakahan, sa layuning maghain kay Jehova na iyong Diyos;+ ngunit yaong natira ay itinalaga namin sa pagkapuksa.”