-
1. Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Tumira sa Nazaret ang pamilya ni Jesus (gnj 1 59:34–1:03:55)
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Nazaret: Posibleng nangangahulugang “Bayang Sibol.” Ang bayan ng Nazaret ay nasa Mababang Galilea, kung saan pinakamatagal na nanirahan si Jesus noong nandito siya sa lupa.
sinabi . . . sa pamamagitan ng mga propeta: “Tatawagin siyang Nazareno”: Lumilitaw na tumutukoy ito sa aklat ni propeta Isaias (Isa 11:1), kung saan tinawag ang ipinangakong Mesiyas na “isang sibol [sa Hebreo, neʹtser] mula sa mga ugat” ni Jesse. Dahil “mga propeta” ang sinabi ni Mateo, posibleng kasama rin dito si Jeremias, na sumulat tungkol sa “matuwid na sibol” mula kay David (Jer 23:5; 33:15), at si Zacarias, na may binanggit na isang haring saserdote na “nagngangalang Sibol” (Zac 3:8; 6:12, 13). Ginamit ang terminong “Nazareno” para kay Jesus, at nang maglaon, pati sa mga tagasunod niya.
-