-
Mateo 14:33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Lumuhod at yumuko sa kaniya ang mga nasa bangka at nagsabi: “Talagang ikaw ang Anak ng Diyos.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Lumuhod at yumuko sa kaniya: O “Nagbigay-galang sa kaniya.” Kinilala ng mga taong ito si Jesus bilang kinatawan ng Diyos. Kaya lumuhod at yumuko sila sa harap niya, hindi dahil isa siyang diyos o bathala, kundi dahil siya ang “Anak ng Diyos.”—Tingnan ang study note sa Mat 2:2; 8:2; 18:26.
-