Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ang lahat ng ginagawa nila ay ginagawa nila para makita ng mga tao.+ Pinalalaki nila ang mga sisidlang naglalaman ng kasulatan na isinusuot nila bilang proteksiyon+ at pinahahaba ang mga palawit ng mga damit nila.+

  • Mateo 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Lahat ng mga gawa na kanilang ginagawa ay ginagawa nila upang makita ng mga tao;+ sapagkat pinalalapad nila ang mga sisidlan [na naglalaman ng kasulatan]+ na isinusuot nila bilang pananggalang, at pinalalaki ang mga palawit+ ng kanilang mga kasuutan.

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 23:5

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 826

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1174

      Jesus—Ang Daan, p. 252

      Ang Bantayan,

      5/1/2010, p. 13

      2/15/1990, p. 8

      8/15/1988, p. 11

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23:5

      sisidlang naglalaman ng kasulatan na isinusuot nila bilang proteksiyon: O “pilakterya nila.” Ang maliit na sisidlang katad na ito na naglalaman ng apat na bahagi ng Kautusan (Exo 13:1-10, 11-16; Deu 6:4-9; 11:13-21) ay isinusuot ng mga lalaking Judio sa noo at kaliwang braso nila. Naging kaugalian nila ito dahil literal ang unawa nila sa utos ng Diyos sa mga Israelita na nasa Exo 13:9, 16; Deu 6:8; 11:18. Kinondena ni Jesus ang mga lider ng relihiyon dahil pinapalaki nila ang mga sisidlan nila na naglalaman ng kasulatan para pahangain ang iba at dahil iniisip nilang pampasuwerte ito, o agimat, na poprotekta sa kanila.

      pinahahaba ang mga palawit: Sa Bil 15:38-40, inutusan ang mga Israelita na lagyan ng palawit ang damit nila. Pero para magpasikat, hinahabaan ng mga Pariseo at eskriba ang palawit nila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share