-
MateoTulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
matalinong: Ang salitang Griego para dito ay nangangahulugang may kaunawaan, nag-iisip muna, maingat, at marunong sa praktikal na paraan. Ginamit din ang salitang Griegong ito sa Mat 7:24 at 25:2, 4, 8, 9. Ginamit ng Septuagint ang salitang ito sa Gen 41:33, 39 sa paglalarawan kay Jose.
alipin: Ang paggamit ng pang-isahang anyo na “alipin” sa ilustrasyon ni Jesus ay hindi nangangahulugang tumutukoy lang ito sa isang partikular na tao. Gumagamit kung minsan ang Kasulatan ng pangngalang nasa pang-isahang anyo para tumukoy sa isang grupo, gaya noong sabihin ni Jehova sa bansang Israel: “Kayo [pangmaramihan] ang mga saksi ko, . . . oo, ang lingkod [pang-isahan] ko na aking pinili.” (Isa 43:10) Sa kaparehong ilustrasyon na nasa Luc 12:42, ang aliping ito ay tinawag na “ang tapat na katiwala, ang matalino.”—Tingnan ang study note sa Luc 12:42.
mga lingkod ng sambahayan: Ang terminong ito ay tumutukoy sa lahat ng nagtatrabaho sa sambahayan ng panginoon.
-