-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sa ilang manuskrito, mababasa rito ang pananalitang “Ang may tainga para makinig ay makinig,” pero hindi ito makikita sa maaasahang sinaunang mga manuskrito. Kaya lumilitaw na hindi ito bahagi ng orihinal na isinulat ni Marcos. Pero may katulad na pananalita na mababasa sa Mar 4:9, 23 na talagang bahagi ng Kasulatan. Iniisip ng ilang iskolar na idinagdag lang ito ng isang tagakopya bilang kapares ng pananalita sa talata 14, at ang pinagbatayan niya ay ang mga pananalita sa Mar 4:9, 23.—Tingnan ang Ap. A3.
-