-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
taksil: Lit., “mapangalunya.” O “di-tapat.” Sa espirituwal na diwa, ang pangangalunya ay kawalang-katapatan sa Diyos ng mga nakipagtipan sa kaniya. Nilabag ng mga Israelita ang tipang Kautusan dahil nakikibahagi sila sa gawain ng huwad na relihiyon, kaya nagkasala sila ng espirituwal na pangangalunya. (Jer 3:8, 9; 5:7, 8; 9:2; 13:27; 23:10; Os 7:4) Iyan din ang dahilan kaya tinawag ni Jesus na taksil ang mga Judio noong panahon niya. (Mat 12:39; 16:4) Kung hahayaan ng mga Kristiyanong bahagi ng bagong tipan na marumhan sila ng kasalukuyang sistemang ito, magkakasala rin sila ng espirituwal na pangangalunya. Totoo rin iyan sa lahat ng nakaalay kay Jehova.—San 4:4.
-