15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang bata ay hindi sa anumang paraan makapapasok dito.”+
gaya ng isang bata: Tumutukoy sa pagkakaroon ng magagandang katangian ng mga bata. Kasama sa mga katangiang iyon ang pagiging mapagpakumbaba, madaling turuan, madaling magtiwala, at nakikinig.—Mat 18:5.