-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa aklat ni Moises: Ang mga isinulat lang ni Moises ang tinatanggap ng mga Saduceo. Ayaw nilang paniwalaan ang turo ni Jesus tungkol sa pagkabuhay-muli, maliwanag na dahil iniisip nilang wala itong basehan sa Pentateuch. Maraming teksto ang puwede niyang sipiin, gaya ng Isa 26:19, Dan 12:13, at Os 13:14, para patunayang mabubuhay muli ang mga patay. Pero dahil alam ni Jesus kung anong mga akda lang ang tinatanggap ng mga Saduceo, ginamit niya ang mga sinabi ni Jehova kay Moises para patunayan ang punto niya.—Exo 3:2, 6.
sinabi ng Diyos sa kaniya: Ang tinutukoy rito ni Jesus ay ang pag-uusap ni Moises at ni Jehova noong mga 1514 B.C.E. (Exo 3:2, 6) Noong panahong iyon, 329 na taon nang patay si Abraham, 224 si Isaac, at 197 si Jacob. Pero hindi sinabi ni Jehova: ‘Ako ang Diyos nila noon,’ kundi sinabi niya: ‘Ako ang Diyos nila.’—Tingnan ang study note sa Mar 12:27.
-