-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sabbath: Ang araw ng Sabbath (Nisan 15) ay natapos sa paglubog ng araw. Iniulat ng lahat ng apat na Ebanghelyo ang pagkabuhay-muli ni Jesus.—Mat 28:1-10; Mar 16:1-8; Luc 24:1-12; Ju 20:1-29.
Maria Magdalena: Tingnan ang study note sa Mat 27:56.
Santiago: Si Santiago na Nakabababa.—Tingnan ang study note sa Mar 15:40.
Salome: Tingnan ang study note sa Mar 15:40.
bumili ng mababangong sangkap na ipapahid nila sa katawan niya: Naihanda na ang katawan ni Jesus para sa paglilibing “ayon sa kaugalian ng mga Judio.” (Ju 19:39, 40) Pero dahil namatay si Jesus mga tatlong oras bago ang Sabbath at hindi na puwedeng gawin ang paghahanda sa katawan ng patay sa panahon ng Sabbath, malamang na minadali ang paghahanda sa katawan ni Jesus. Kaya sa unang araw pagkatapos ng Sabbath, sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, malamang na nagpunta ang mga babaeng ito para magdagdag ng dahon, langis, o iba pang sangkap para mapreserba ang katawan niya nang mas matagal. (Luc 23:50–24:1) Malamang na ilalagay nila ang mga sangkap na ito sa ibabaw ng nakabalot na katawan ni Jesus.
-