-
Lucas 2:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 May mga pastol din sa lugar na iyon na naninirahan sa labas at nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan.
-
-
Lucas 2:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Mayroon ding mga pastol sa mismong lupaing iyon na naninirahan sa labas at patuloy na nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan.
-
-
1. Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Nagpakita ang mga anghel sa mga pastol na nasa labas (gnj 1 39:54–41:40)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pastol: Kailangan ng maraming tupa sa regular na paghahandog sa templo sa Jerusalem, kaya malamang na para dito ang ilan sa mga tupang inaalagaan sa palibot ng Betlehem.
naninirahan sa labas: Ang ekspresyong Griegong ito ay mula sa isang pandiwa na pinagsamang a·grosʹ (“parang”) at au·leʹ (“sa labas”), kaya nangangahulugan itong “manirahan sa parang” at nagpapahiwatig ng pagpapalipas ng gabi sa labas. Puwedeng pastulan ang mga tupa sa araw anumang bahagi ng taon. Pero sinasabi sa teksto na gabi noon nang nasa labas ang mga pastol at nagbabantay sa kanilang mga kawan. Kaya may ipinapahiwatig ito tungkol sa panahon ng kapanganakan ni Jesus. Ang tag-ulan sa Israel ay nagsisimula nang kalagitnaan ng Oktubre at tumatagal nang ilang buwan. Pagdating ng Disyembre, karaniwan nang umuulan ng niyebe sa Betlehem kapag gabi, gaya sa Jerusalem. Dahil nasa labas ang mga pastol sa Betlehem nang gabing iyon, lumilitaw na hindi pa nagsisimula noon ang tag-ulan.—Tingnan ang Ap. B15.
-