Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 2:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Gayundin, nang panahon na para sa pagpapabanal sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises,+ dinala nila siya* sa Jerusalem para iharap kay Jehova,*

  • Lucas 2:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Gayundin, nang dumating sa kalubusan ang mga araw para sa pagpapadalisay+ sa kanila ayon sa kautusan ni Moises, dinala nila siya sa Jerusalem upang iharap siya kay Jehova,

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:22

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 264

      Jesus—Ang Daan, p. 20

      Tularan, p. 158-161

      Ang Bantayan,

      10/1/2008, p. 25

  • 1. Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Dinala si Jesus sa templo para iharap kay Jehova (gnj 1 43:56–45:02)

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:22

      panahon . . . para sa pagpapabanal sa kanila: Tumutukoy sa panahon ng paglilinis sa kanila sa seremonyal na paraan para sa pagsamba. Sa Kautusang Mosaiko, kailangang linisin ng isang ina ang kaniyang sarili nang 40 araw pagkatapos magsilang ng anak na lalaki. (Lev 12:1-4) Hindi hinahamak ng kautusang ito ang mga babae o ang panganganak. Sa halip, nagtuturo ito ng isang mahalagang espirituwal na katotohanan: Sa panganganak, ang kasalanan ni Adan ay naipapasa sa susunod na henerasyon. At apektado rin nito si Maria, na salungat sa itinuturo ng mga iskolar ng relihiyon. (Ro 5:12) Siguradong hindi kasama si Jesus sa panghalip na “kanila” sa talatang ito. Alam ni Lucas na pinrotektahan si Jesus ng banal na espiritu para hindi maipasa sa kaniya ang pagiging makasalanan ng kaniyang ina, kaya hindi niya kailangan ng paglilinis. (Luc 1:34, 35) Dahil si Jose ang nagplano ng paglalakbay at pananagutan niya bilang ulo ng pamilya na matiyak na makakapaghandog sila, posibleng si Jose, na ama-amahan ni Jesus, ang kasama sa tinutukoy ni Lucas sa salitang “kanila.”

      para iharap kay Jehova: Gaya ng ipinapakita ng susunod na talata, dinala si Jesus sa templo pagkapanganak sa kaniya bilang pagsunod sa sinabi ni Jehova kay Moises sa Exo 13:1, 2, 12, kung saan inuutusan ang mga magulang na “ialay . . . kay Jehova ang lahat ng panganay na lalaki.” Gayundin, ang ekspresyong “para iharap kay Jehova” ay kagaya ng binabanggit sa 1Sa 1:22-28, kung saan dinala ang batang si Samuel “sa harap ni Jehova” at inialay para sa paglilingkod sa Diyos.​—Tingnan ang study note sa Luc 1:6; 2:23 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 2:22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share