Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 2:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 Pero sumagot siya: “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”+

  • Lucas 2:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kailangang hanapin ninyo ako? Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na mapasabahay ng aking Ama?”+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:49

      “Tagasunod Kita,” p. 133

      Kaunawaan, p. 132-133, 314, 1206

      Tularan, p. 170

      Ang Bantayan,

      4/1/2012, p. 27

      8/15/2010, p. 9

      4/1/2010, p. 30-31

      2/15/2000, p. 12

      2/15/1987, p. 6

  • 1. Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Ang 12-taóng-gulang na si Jesus sa templo (gnj 1 1:04:00–1:09:40)

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:49

      sumagot siya: Ang kasunod na pananalita ay ang unang sinabi ni Jesus na nakaulat sa Bibliya. Noong bata pa si Jesus, maliwanag na hindi pa niya lubusang alam ang buhay niya noon bago siya naging tao. (Tingnan ang study note sa Mat 3:16; Luc 3:21.) Pero makatuwirang isipin na ikinuwento sa kaniya ng ina at ama-amahan niya ang mensahe ng mga anghel, pati ang mga hula nina Simeon at Ana noong magpunta sila sa Jerusalem 40 araw pagkapanganak kay Jesus. (Mat 1:20-25; 2:13, 14, 19-21; Luc 1:26-38; 2:8-38) Makikita sa sagot ni Jesus na kahit paano ay alam niyang ipinanganak siya sa makahimalang paraan at na may espesyal na kaugnayan siya sa kaniyang Ama sa langit, si Jehova.

      dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama: Ang literal na salin ng ekspresyong Griego para sa “nasa bahay ako ng aking Ama” ay “nasa [mga pag-aari] ako ng aking Ama.” Ipinapakita sa konteksto na nag-aalala sina Jose at Maria kung nasaan si Jesus, kaya makatuwirang isipin na ang pananalitang ito ay tumutukoy sa isang lokasyon, o lugar, ang “bahay [o “tirahan; palasyo”] . . . ng aking Ama.” (Luc 2:44-46) Nang maglaon, sa panahon ng ministeryo ni Jesus, tinawag niya ang templo na “bahay ng aking Ama.” (Ju 2:16) Pero sinasabi ng ilang iskolar na posible ring malawak ang tinutukoy ng ekspresyong ito at puwedeng isaling, “Kailangan kong maging palaisip [o, “abala”] sa mga bagay-bagay ng aking Ama.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share