Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 9:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 at sinabi niya: “Huwag kayong magdala ng anuman sa paglalakbay, kahit tungkod, lalagyan ng pagkain, tinapay, pera,* o ekstrang* damit.+

  • Lucas 9:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 at sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman para sa paglalakbay, kahit baston ni supot ng pagkain, ni tinapay ni salaping pilak; ni magkaroon man ng dalawang pang-ilalim na kasuutan.+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:3

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1209

      Ang Bantayan,

      3/15/2011, p. 6

      7/15/1987, p. 9

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:3

      Huwag kayong magdala ng anuman sa paglalakbay: Nang isugo ni Jesus ang mga apostol niya para ipangaral ang “Kaharian ng Diyos” (Luc 9:2), nagbigay siya ng mga tagubilin kung paano isasagawa ang napakahalagang gawaing ito. Mababasa ang mga tagubilin niya sa Mateo, Marcos, at Lucas. (Mat 10:8-10; Mar 6:8, 9; Luc 9:3) Kahit magkakaiba ang salitang ginamit, iisa lang ang ipinapahiwatig ng mga ito: Para makapagpokus ang mga apostol, hindi sila dapat magdala ng ekstrang gamit, dahil paglalaanan sila ni Jehova. Sinasabi ng tatlong ulat na ang mga apostol ay hindi dapat “magdala [o “magsuot” o “magkaroon”] ng . . . ekstrang damit,” bukod sa suot nila. Lumilitaw na karaniwan noon sa mga Hebreo na magdala ng baston, o tungkod, sa paglalakbay (Gen 32:10), at sinasabi ng Mar 6:8: “Huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay maliban sa isang tungkod.” Kaya ang tagubilin sa Luc 9:3 (“Huwag kayong magdala ng anuman . . . , kahit tungkod”) ay hindi nangangahulugang huwag silang magdala ng tungkod, kundi huwag silang magdala ng ekstrang tungkod. Kaya sinasabi ni Jesus sa mga alagad niya na hindi sila dapat magdala ng napakaraming gamit sa paglalakbay na magpapabigat lang sa kanila, dahil paglalaanan sila ni Jehova.—Tingnan ang study note sa Luc 10:4, kung saan nagbigay si Jesus ng katulad na mga tagubilin sa 70 alagad na isinugo niya sa ibang pagkakataon.

      pera: Lit., “pilak,” o pilak na ginagamit bilang pera.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share