-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mas magaan pa ang magiging parusa: Lumilitaw na gumamit dito si Jesus ng eksaherasyon at hindi ito dapat intindihin nang literal. (Ihambing ang ilang eksaherasyon na ginamit ni Jesus, gaya ng nasa Mat 5:18; Luc 16:17; 21:33.) Nang sabihin ni Jesus na “sa araw na iyon [Araw ng Paghuhukom], mas magaan pa ang magiging parusa sa Sodoma” (Mat 10:15; 11:22, 24; Luc 10:14), hindi sinasabi ni Jesus na ang mga taga-Sodoma ay naroon sa araw na iyon. (Ihambing ang Jud 7.) Malinaw na idinidiin lang niya kung gaano katigas ang ulo ng karamihan sa mga tao sa Corazin, Betsaida, at Capernaum. (Luc 10:13-15) Kapansin-pansin na nakilala ang sinaunang Sodoma sa sinapit nito kaya madalas itong banggitin may kaugnayan sa galit at hatol ng Diyos.—Deu 29:23; Isa 1:9; Pan 4:6.
-