-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nangangalunya: Ang pandiwang Griego na moi·kheuʹo ay tumutukoy sa pagtataksil sa asawa at pakikipagtalik sa iba. Sa Bibliya, ang pangangalunya ay “seksuwal na imoralidad” na kusang ginawa ng may-asawa at ng hindi niya asawa. (Ihambing ang study note sa Mat 5:32, kung saan tinalakay ang “seksuwal na imoralidad,” na galing sa salitang Griego na por·neiʹa.) Noong may bisa pa ang Kautusang Mosaiko, ang kusang pakikipagtalik sa asawa o mapapangasawa ng isang lalaki ay itinuturing na pangangalunya.—Tingnan ang study note sa Mat 5:27; Mar 10:11.
babaeng diniborsiyo: Tumutukoy sa babaeng diniborsiyo nang hindi dahil sa seksuwal na imoralidad.—Tingnan ang study note sa Mat 5:32.
-