-
Lucas 17:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 “Sa araw na iyon, kung nasa bubungan ang isang tao at nasa loob ng bahay ang mga pag-aari niya, huwag na siyang bumaba para kunin ang mga iyon, at huwag na ring balikan ng nasa bukid ang mga bagay na naiwan niya.
-
-
Lucas 17:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 “Sa araw na iyon ang tao na nasa bubungan ng bahay, ngunit ang kaniyang madadalang mga kagamitan ay nasa loob ng bahay, ay huwag bumaba upang kunin ang mga ito, at ang tao na nasa labas sa bukid, huwag din niyang balikan ang mga bagay na nasa likuran.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nasa bubungan: Ang bubungan ng mga bahay noon ay patag at puwedeng gamitin na imbakan (Jos 2:6), pahingahan (2Sa 11:2), tulugan (1Sa 9:26), at para sa mga kapistahan ng pagsamba (Ne 8:16-18). Kaya kailangan na may halang ito. (Deu 22:8) Karaniwan na, may hagdan sa labas ng bahay para makababa ang nasa bubungan nang hindi na pumapasok sa bahay kaya masusunod nila ang sinabi ni Jesus. Idiniriin ng babala niya ang pagkaapurahan ng sitwasyon.
-