-
Lucas 18:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Tumayo ang Pariseo at tahimik na nanalangin, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo na hindi ako gaya ng ibang mga tao—mangingikil, di-matuwid, mangangalunya—o gaya rin ng maniningil ng buwis na ito.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mangingikil: Noong sakop ng Roma ang Israel, kadalasan nang nangingikil ang mga Judiong maniningil ng buwis. Dahil sa trabaho nila, marami silang pagkakataon na dayain ang mga tao para payamanin ang sarili nila (at siguradong pati ang mga amo nilang Romano). Malamang na ito ang nasa isip ni Jesus sa ilustrasyon niya tungkol sa mapagmatuwid na Pariseo na pinupuri ang sarili niya sa harap ng Diyos dahil hindi siya nangingikil.
-