-
Lucas 19:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Naroon ang lalaking si Zaqueo; isa siyang pinuno ng mga maniningil ng buwis, at mayaman siya.
-
-
Lucas 19:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Dito nga ay may isang lalaki na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya ay isang punong maniningil ng buwis, at mayaman siya.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Zaqueo: Mula sa pangalang Hebreo at posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “malinis; dalisay.” Lumilitaw na si Zaqueo ang pinuno ng mga maniningil ng buwis sa Jerico at sa palibot nito. Mataba ang lupa at sagana ang ani sa distritong malapit sa lunsod na ito, kaya malaki ang nakokolektang buwis. Mayaman si Zaqueo, at makikita sa mga sinabi niya (Luc 19:8) na kuwestiyunable ang pinagmulan ng ilang bahagi ng yaman niya.
-