-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
para makakuha ng kapangyarihan bilang hari: O “para makakuha ng kaharian.” Ang salitang Griego na ba·si·leiʹa, na madalas isaling “kaharian,” ay may malawak na kahulugan at karaniwan nang tumutukoy sa pamahalaan, pati na sa teritoryo at mga taong pinamamahalaan, ng isang hari. (Tingnan ang study note sa Mat 3:2; 25:34.) Puwede rin itong tumukoy sa posisyon bilang hari, pati na sa kasama nitong karangalan, kapangyarihan, at awtoridad. Sa Imperyo ng Roma, karaniwan sa isang maharlika na magpunta sa Roma para makakuha ng kapangyarihan bilang hari. Nang marinig ng mga tao ang talinghaga ni Jesus, malamang na naalala nila si Arquelao na anak ni Herodes na Dakila. Bago mamatay si Herodes na Dakila, itinalaga niya si Arquelao bilang kasunod na tagapamahala sa Judea at sa iba pang lugar. Pero para mapagtibay ang awtoridad na ibinigay sa kaniya, kailangan munang magpunta ni Arquelao sa malayong lupain ng Roma para makuha ang pagsang-ayon ni Cesar Augusto.
-