Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 21:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 dahil ito ay mga araw para sa paglalapat ng katarungan,* para matupad ang lahat ng nakasulat.

  • Lucas 21:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 sapagkat ito ay mga araw para sa paglalapat ng katarungan, upang matupad ang lahat ng mga bagay na nakasulat.+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 21:22

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 596

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21:22

      mga araw para sa paglalapat ng katarungan: O “mga araw ng paghihiganti,” na tumutukoy sa paghihiganti at paghatol ng Diyos. Sa isang naunang pagkakataon, sa sinagoga sa Nazaret, sumipi si Jesus mula sa hula ni Isaias (Isa 61:1, 2) at sinabing sa kaniya ito tumutukoy, pero hindi sinasabi sa ulat na sinipi niya rin ang tungkol sa “araw ng paghihiganti ng ating Diyos.” (Luc 4:16-21) Pero sa pagkakataong ito, binanggit ni Jesus ang tungkol sa “mga araw ng paghihiganti” nang ihula niya na papalibutan ng nagkakampong mga hukbo ang Jerusalem. Ang paghihiganti ng Diyos ay isa sa mga bagay na nakasulat sa Hebreong Kasulatan. Ang salitang Griego na isinalin ditong “paglalapat ng katarungan” o “paghihiganti” ay ginamit sa salin ng Septuagint sa Deu 32:35; Jer 46:10 (26:10, LXX); at Os 9:7. Sa mga tekstong ito, ang mga katumbas na terminong Hebreo ay isinaling “paghihiganti” at “pagtutuos.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share