-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang tinatawag na Paskuwa: Ipinagdiriwang ang Paskuwa kapag Nisan 14, at iba ito sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na ipinagdiriwang naman mula Nisan 15 hanggang 21. (Lev 23:5, 6; Bil 28:16, 17; tingnan ang Ap. B15.) Pero noong panahon ni Jesus, masyado nang napag-ugnay ang dalawang kapistahang ito kaya ang buong walong araw, kasama ang Nisan 14, ay itinuturing na lang na iisang kapistahan. May binanggit si Josephus na “walong-araw na kapistahan, na tinatawag na kapistahan ng tinapay na walang pampaalsa.” Ang mga pangyayaring nakaulat sa Luc 22:1-6 ay naganap noong Nisan 12, 33 C.E.—Tingnan ang Ap. B12.
-