-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Yumukod: O “Nagpatirapa; Nagbigay-galang.” Kapag ang pandiwang Griego na pro·sky·neʹo ay tumutukoy sa pagsamba sa isang diyos o bathala, isinasalin itong “sumamba.” (Mat 4:10; Luc 4:8) Pero sa kontekstong ito, kinilala ng mga alagad ang binuhay-muling si Jesus bilang kinatawan ng Diyos. Kaya yumukod sila sa kaniya, hindi dahil isa siyang diyos o bathala, kundi dahil siya ang “Anak ng Diyos,” ang inihulang “Anak ng tao,” ang Mesiyas na binigyan ng awtoridad ng Diyos. (Luc 1:35; Mat 16:13-16; Ju 9:35-38) Katulad ito ng ginagawa ng mga tao noon sa Hebreong Kasulatan na yumuyukod sa harap ng mga propeta, hari, o iba pang kinatawan ng Diyos. (1Sa 25:23, 24; 2Sa 14:4; 1Ha 1:16; 2Ha 4:36, 37) Sa maraming pagkakataon, yumukod kay Jesus ang mga tao bilang pasasalamat dahil isiniwalat ng Diyos kung sino talaga si Jesus o bilang pagkilala na pinapaboran siya ng Diyos.—Mat 14:32, 33; 28:5-10, 16-18; Ju 9:35, 38; tingnan din ang study note sa Mat 2:2; 8:2; 14:33; 15:25.
Yumukod . . . sa kaniya at: Hindi makikita ang pananalitang ito sa ilang manuskrito, pero mababasa ito sa luma at maaasahang mga manuskrito.—Tingnan ang Ap. A3.
-