Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng buhay, at ang buhay niya ang liwanag para sa mga tao.+

  • Juan 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 sa pamamagitan niya ay buhay,+ at ang buhay ay ang liwanag+ ng mga tao.

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:4

      Ang Bantayan,

      4/1/1993, p. 11

  • 1. Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Nagkaroon ng buhay at liwanag sa pamamagitan ng Salita (gnj 1 01:01–02:11)

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:4

      Sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng buhay: Sa pinakalumang mga manuskritong Griego, walang bantas sa talata 3 at 4. Kaya ang mga bantas na ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin sa mga talatang ito ay batay sa mga akademikong edisyon ng tekstong Griego na inilathala nina Westcott at Hort, ng United Bible Societies, at nina Nestle at Aland. Ipinapakita ng saling ito na nagkaroon ng buhay at liwanag sa pamamagitan ng Salita. (Col 1:15, 16) Ibang pagkaunawa sa tekstong Griego ang naging batayan ng ibang salin. Pero maraming iskolar ang sumasang-ayon sa salin ng Bagong Sanlibutang Salin.

      niya: Ang Salita, o ang Logos.​—Tingnan ang study note sa Ju 1:1.

      buhay . . . liwanag: Ang dalawang temang ito ay litaw na litaw sa ulat ni Juan. Ang Diyos ang Pinagmumulan ng buhay, at sa pamamagitan ni Jesus, ang Salita, “ginawa” ang lahat ng iba pang bagay na may buhay. (Ju 1:3) Kaya masasabing nagkaroon ng buhay sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Sa pamamagitan din ni Jesus, ginawang posible ng Diyos na magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagkakasala at namamatay. Kaya naman masasabing ang buhay ni Jesus ay naging liwanag para sa mga tao. Sa Ju 1:9, ang Salita ay tinawag na “tunay na liwanag na nagbibigay ng liwanag sa bawat uri ng tao.” Ang mga taong sumusunod kay Jesus, “ang liwanag ng sangkatauhan,” ay “magkakaroon ng liwanag ng buhay.” (Ju 8:12) Ang Salita ang inatasan ng Diyos na maging “Punong Kinatawan para sa buhay,” na magbibigay-liwanag sa mga tao at aakay sa kanila sa buhay.​—Gaw 3:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share