Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 May isang tao na isinugo bilang kinatawan ng Diyos; ang pangalan niya ay Juan.+

  • Juan 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 May bumangong isang tao na isinugo bilang kinatawan ng Diyos:+ ang pangalan niya ay Juan.+

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:6

      isinugo bilang kinatawan ng Diyos: O “inatasan ng Diyos.” Mula sa Diyos ang atas ni Juan Bautista (Luc 3:2) at kasama dito ang pangangaral, o paghahayag ng mensahe sa publiko. Hindi lang inihayag ni Juan ang pagdating ng Mesiyas at ng Kaharian ng Diyos sa mga Judiong lumalapit sa kaniya, kundi pinasigla niya rin silang magsisi. (Mat 3:1-3, 11, 12; Mar 1:1-4; Luc 3:7-9) Si Juan Bautista ay nagsilbing propeta, guro (na may mga alagad), at ebanghelisador.​—Luc 1:76, 77; 3:18; 11:1; Ju 1:35.

      Juan: Si Juan Bautista. Binanggit siya nang 19 na beses ng manunulat ng Ebanghelyong ito, si apostol Juan. Pero di-gaya ng ibang manunulat ng Ebanghelyo, hindi ginamit ni apostol Juan ang mga katawagang “Tagapagbautismo” o “Bautista.” (Tingnan ang study note sa Mat 3:1; Mar 1:4.) Malinaw na ipinakita ni apostol Juan ang pagkakaiba ng tatlong Maria. (Ju 11:1, 2; 19:25; 20:1) Pero hindi niya ito kailangang gawin sa kanila ni Juan Bautista, kasi hindi naman binanggit ng apostol ang sarili niyang pangalan kaya walang malilito kung sinong Juan ang tinutukoy. Isa pa itong patunay na si apostol Juan ang sumulat ng Ebanghelyong ito.​—Tingnan ang “Introduksiyon sa Juan” at study note sa Ju Pamagat.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share