-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ikaw si Simon: May limang pangalan si Simon sa Kasulatan. (Tingnan ang study note sa Mat 4:18; 10:2.) Sa ulat na ito, lumilitaw na nakita ni Jesus si Simon sa unang pagkakataon at ibinigay sa kaniya ang Semitikong pangalan na Cefas (Ke·phasʹ), posibleng kaugnay ng salitang Hebreo na ke·phimʹ (malalaking bato) na ginamit sa Job 30:6 at Jer 4:29. Ipinaliwanag din ng manunulat ng Ebanghelyo na si Juan na ang Cefas ay isinasaling “Pedro,” pangalang Griego na nangangahulugan ding “Isang Piraso ng Bato.” Sa Kasulatan, si Simon lang ang may ganitong Semitiko at Griegong pangalan. Kung nakita ni Jesus na si Natanael ay isang lalaki na “walang anumang pagkukunwari” (Ju 1:47; 2:25), nakita rin niya ang pagkatao ni Pedro. Nang mamatay si Jesus at buhaying muli, mas nakapagpakita si Pedro ng mga katangiang gaya ng sa bato; pinalakas at pinatatag niya ang kongregasyon.—Luc 22:32; Gaw 1:15, 16; 15:6-11.
Juan: Sa ilang sinaunang manuskrito, ang ama ni apostol Pedro ay tinawag ditong Juan. Sa ibang sinaunang manuskrito naman, tinawag siyang Jona. Sa Mat 16:17, tinawag ni Jesus si Pedro na “Simon na anak ni Jonas.” (Tingnan ang study note sa Mat 16:17.) Ayon sa ilang iskolar, ang Griegong anyo ng mga pangalang Juan at Jona(s) ay posibleng tumutukoy sa iisang pangalang Hebreo pero magkaiba ng ispeling.
-