Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 46 Pero sinabi ni Natanael: “Mayroon bang anumang mabuti na puwedeng manggaling sa Nazaret?” Sinabi ni Felipe: “Halika at tingnan mo.”

  • Juan 1:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 46 Ngunit sinabi ni Natanael sa kaniya: “Mayroon kayang anumang mabuting bagay na manggagaling sa Nazaret?”+ Sinabi ni Felipe sa kaniya: “Halika at tingnan mo.”

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:46

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      5/2021, p. 3

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 459

      Ang Bantayan,

      8/15/2002, p. 13

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:46

      Mayroon bang anumang mabuti na puwedeng manggaling sa Nazaret?: Dahil sa sinabing ito ni Natanael, iniisip ng marami na mababa ang tingin sa Nazaret, kahit ng mga taga-Galilea. (Ju 21:2) Ang Nazaret ay hindi binanggit sa Hebreong Kasulatan at ni Josephus, samantalang ang Japia (wala pang 3 km [2 mi] sa timog-kanluran ng Nazaret) na malapit dito ay nabanggit sa Jos 19:12 at ni Josephus. Pero hindi naman lahat ng lunsod sa Galilea ay binanggit ng Hebreong Kasulatan o ni Josephus. Kapansin-pansin din na sa mga Ebanghelyo, ang Nazaret ay laging tinatawag na “lunsod” (sa Griego, poʹlis), isang termino na karaniwan nang tumutukoy sa isang lugar na mas malaki ang populasyon kaysa sa nayon. (Mat 2:23; Luc 1:26; 2:4, 39; 4:29) Ang Nazaret ay nasa isang patag na bahagi ng bundok na napapalibutan ng burol, at matatanaw dito ang kapatagan ng Esdraelon (Jezreel). Matao ang lugar na ito, at maraming lunsod at bayan na malapit dito. Malapit ito sa mahahalagang ruta ng kalakalan, kaya siguradong maraming alam ang mga tagarito tungkol sa lipunan, relihiyon, at politika noong panahong iyon. (Ihambing ang Luc 4:23.) May sarili ring sinagoga ang Nazaret. (Luc 4:16) Kaya lumilitaw na hindi basta-basta ang lugar na ito. Ibig sabihin, malamang na nagulat lang si Natanael na iniisip ni Felipe na ang Isa na Ipinangako ay magmumula sa kalapít na lunsod ng Nazaret sa Galilea, samantalang inihula sa Kasulatan na ang Mesiyas ay magmumula sa Betlehem sa Juda.​—Mik 5:2; Ju 7:42, 52.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share