Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:51
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 51 Sinabi pa niya: “Tinitiyak ko sa inyo,* makikita ninyong bukás ang langit at ang mga anghel ng Diyos na bumababa sa Anak ng tao at umaakyat sa langit.”+

  • Juan 1:51
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 51 Sinabi pa niya sa kaniya: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Makikita ninyong bukás ang langit at ang mga anghel+ ng Diyos na umaakyat at bumababa sa Anak ng tao.”+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:51

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 109

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 876-877

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 18

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:51

      Tinitiyak ko sa inyo: O “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo.” Sa Griego, a·menʹ a·menʹ. Ang salitang Griego na a·menʹ ay transliterasyon ng Hebreo na ʼa·menʹ, na nangangahulugang “mangyari nawa,” o “tiyak nga.” Madalas gamitin ni Jesus ang terminong a·menʹ bago sabihin ang isang kapahayagan, pangako, o hula bilang pagdiriin na ito ay talagang totoo at maaasahan. Ang paggamit ni Jesus ng amen sa ganitong paraan ay sinasabing makikita lang sa mga Ebanghelyo at hindi sa ibang mga literatura sa relihiyon. (Mat 5:18; Mar 3:28; Luc 4:24) Sa Ebanghelyo lang ni Juan ginamit nang magkasunod ang terminong ito (a·menʹ a·menʹ), at 25 beses itong lumitaw dito. Sa saling ito, ang dobleng a·menʹ ay isinasaling “tinitiyak” o “sinasabi.” Ang buong pariralang “Tinitiyak ko sa inyo” ay puwede ring isaling: “Sinasabi ko sa inyo ang totoo.”

      langit: Ang terminong Griego na ginamit dito ay puwedeng tumukoy sa literal o sa espirituwal na langit.

      anghel: O “mensahero.” Ang salitang Griego na agʹge·los at ang katumbas na salitang Hebreo nito na mal·ʼakhʹ ay lumitaw nang halos 400 beses sa Bibliya. Ang dalawang salitang ito ay pangunahin nang nangangahulugang “mensahero.” Kapag espiritung mensahero ang tinutukoy, isinasalin itong “anghel,” pero kung tao ang tinutukoy, isinasalin itong “mensahero.” Madalas na malinaw sa konteksto kung ang tinutukoy ay mensaherong tao o anghel, pero kapag di-tiyak, kadalasan nang makikita sa talababa ang isa pang posibleng salin. (Gen 16:7; 32:3; Job 4:18, tlb.; 33:23, tlb.; Ec 5:6, tlb.; Isa 63:9, tlb.; Mat 1:20; San 2:25; Apo 22:8; tingnan sa Glosari.) Sa aklat ng Apocalipsis, na punô ng makasagisag na paglalarawan, ang ilang pagbanggit sa mga anghel ay puwedeng tumukoy sa mga tao.​—Apo 2:1, 8, 12, 18; 3:1, 7, 14.

      sa Anak ng tao: O “para maglingkod sa Anak ng tao.” Nang sabihin ni Jesus na ang mga anghel ay bumababa . . . at umaakyat sa langit, posibleng naiisip niya ang pangitain ni Jacob tungkol sa mga anghel na umaakyat at bumababa sa hagdan (Gen 28:12), na nagpapakitang ang mga anghel ay naglilingkod kay Jehova at sa mga taong may pagsang-ayon niya. Ipinapakita rin ng sinabi ni Jesus na nakita ng mga nakasama niya na naglilingkod sa kaniya ang mga anghel ng Diyos at na pinapangalagaan at pinapatnubayan siya ng kaniyang Ama sa espesyal na paraan.

      Anak ng tao: Tingnan ang study note sa Mat 8:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share