-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ang Paskuwa: Nagsimulang mangaral si Jesus pagkatapos ng bautismo niya noong taglagas ng 29 C.E., kaya ang Paskuwang ito sa pasimula ng ministeryo niya ay malamang na ang Paskuwang ipinagdiwang noong tagsibol ng 30 C.E. (Tingnan ang study note sa Luc 3:1 at Ap. A7.) Kapag pinagkumpara ang mga ulat ng apat na Ebanghelyo, makikita na may apat na Paskuwang ipinagdiwang noong panahon ng ministeryo ni Jesus sa lupa, na nagpapakitang tumagal nang tatlo at kalahating taon ang ministeryo niya. Sa mga Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas (madalas tawaging mga sinoptikong Ebanghelyo), isang Paskuwa lang ang binanggit, ang huling Paskuwa kung kailan namatay si Jesus. Sa ulat ni Juan, tatlong Paskuwa ang espesipiko niyang binanggit (Ju 2:13; 6:4; 11:55), at malamang na ang tinawag niya na “kapistahan ng mga Judio” sa Ju 5:1 ang ikaapat na Paskuwa. Ipinapakita lang ng halimbawang ito kung gaano kahalaga na pagkumparahin ang mga Ebanghelyo para magkaroon ng mas malinaw na pagkaunawa sa buhay ni Jesus.—Tingnan ang study note sa Ju 5:1; 6:4; 11:55.
-