-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
panghagupit na lubid: Ang salitang Griego para sa “lubid” (skhoi·niʹon) ay puwedeng tumukoy sa tali na gawa sa tambo, hungko, o iba pang materyales. Nang gumamit si Jesus ng panghagupit na lubid para ‘palayasin sa templo ang mga tupa at baka,’ siguradong sinundan ng mga negosyante ang mga ito. Sa sumunod na talata, nang sabihin ni Jesus sa mga nagtitinda ng kalapati na lumayas, hindi nabanggit ang panghagupit, na nagpapakitang hindi niya ito ginamit sa mga nagtitinda. Pero dahil sa ginawa ni Jesus, napilitang umalis sa templo ang mga taong iyon na pinagkakakitaan ang tunay na pagsamba.
pinalayas sa templo ang lahat ng nagtitinda ng tupa at baka: Noong nasa lupa si Jesus, dalawang beses siyang nagpalayas ng mga nagnenegosyo sa templo sa Jerusalem para luminis ito. Nangyari ang unang paglilinis, na nakaulat dito, noong Paskuwa ng 30 C.E., sa unang pagpunta ni Jesus sa Jerusalem bilang ang pinahirang Anak ng Diyos. (Tingnan ang Ap. A7.) Noong Nisan 10, 33 C.E., nilinis ni Jesus ang templo sa ikalawang pagkakataon. Ang pangyayaring ito ay iniulat sa Ebanghelyo nina Mateo (21:12, 13), Marcos (11:15-18), at Lucas (19:45, 46).—Tingnan ang Ap. A7.
nagpapalit ng pera: Tingnan ang study note sa Mat 21:12.
-