-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tubig na nagbibigay-buhay: Lit., “tubig na buháy.” Sa literal, ang Griegong pananalitang ito ay tumutukoy sa umaagos na tubig, tubig sa bukal, o sariwang tubig sa balon na may bukal. Ibang-iba ito sa tubig na nakaimbak lang sa isang lalagyan. Sa Lev 14:5, ang ekspresyong Hebreo na “tubig na buháy” ay isinaling “sariwang tubig.” Sa Jer 2:13 at 17:13, inilalarawan si Jehova bilang “bukal [o, “pinagmumulan”] ng tubig na nagbibigay-buhay.” Noong kausap ni Jesus ang Samaritana, ginamit niya sa makasagisag na paraan ang terminong “tubig,” pero lumilitaw na literal ang unang intindi rito ng babae.—Ju 4:11; tingnan ang study note sa Ju 4:14.
-