-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tubig na ibibigay ko: Makasagisag ang pagkakagamit dito ng mga terminong “tubig” at “bukal.” Sa simula ng pag-uusap ni Jesus at ng Samaritana, may binanggit si Jesus na “tubig na nagbibigay-buhay.” (Tingnan ang study note sa Ju 4:10.) Pagkatapos, ipinaliwanag niya na ang tubig na ibibigay niya ay magiging tulad ng isang bukal ng tubig para sa tatanggap nito at magbibigay sa kaniya ng buhay na walang hanggan. Sa Salita ng Diyos, ang tubig ay sumasagisag sa mga paglalaan ng Diyos para maibalik ang perpektong buhay ng mga tao. Mahalagang bahagi ng makasagisag na tubig na ito ang haing pantubos ni Jesus. Sa kontekstong ito, nagpokus si Jesus sa espirituwal na pakinabang na makukuha ng mga makikinig sa kaniya at magiging alagad niya. Kapag ‘nakilala’ nila ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo at nanampalataya sila at kumilos ayon sa natutuhan nila, magkakaroon sila ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan. (Ju 17:3) Sinabi ni Jesus na ang makasagisag na tubig na ito ay magiging tulad ng isang bukal na magbibigay ng buhay sa sinumang tatanggap nito. Mapapakilos din ang taong ito na ibahagi sa iba ang “tubig ng buhay.”—Apo 21:6; 22:1, 17; tingnan ang study note sa Ju 7:38.
-