-
Juan 4:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Sinabi ng babae: “Alam kong darating ang Mesiyas, na tinatawag na Kristo. Kapag dumating na siya, ihahayag niya sa amin ang lahat ng bagay.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Alam kong darating ang Mesiyas: Ang limang aklat lang ni Moises, na tinatawag ngayong Pentateuch, ang tinatanggap ng mga Samaritano. Posibleng tinatanggap din nila ang aklat ng Josue, pero hindi na nila pinaniniwalaan ang lahat ng iba pang aklat sa Hebreong Kasulatan. Gayunman, dahil tinatanggap ng mga Samaritano ang mga isinulat ni Moises, hinihintay rin nila ang pagdating ng Mesiyas, ang propetang mas dakila kay Moises.—Deu 18:18, 19.
Mesiyas: O “Pinahiran.” Dalawang beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan (dito at sa Ju 1:41) ang salitang Griego na Mes·siʹas (transliterasyon ng salitang Hebreo na ma·shiʹach). Ang titulong ma·shiʹach ay mula sa pandiwang Hebreo na ma·shachʹ, na nangangahulugang “pahiran” at “atasan.” (Exo 29:2, 7) Noong panahon ng Bibliya, ang mga saserdote, tagapamahala, at propeta ay binubuhusan ng langis para atasan. (Lev 4:3; 1Sa 16:3, 12, 13; 1Ha 19:16) Ang titulong Kristo (sa Griego, Khri·stosʹ) ay lumitaw nang mahigit 500 beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan at katumbas ng titulong “Mesiyas,” na parehong nangangahulugang “Pinahiran.”—Tingnan ang study note sa Mat 1:1.
-