-
Juan 4:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Nang pagkakataong ito, dumating ang mga alagad niya, at nagtaka sila dahil nakikipag-usap siya sa isang babae. Pero walang nagtanong sa kaniya kung bakit niya kinakausap ang babae o kung ano ang kailangan niya rito.
-
-
Juan 4:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Ngayon sa pagkakataong ito ay dumating ang kaniyang mga alagad, at nagsimula silang magtaka sapagkat nakikipag-usap siya sa isang babae. Sabihin pa, walang sinuman ang nagsabi: “Ano ang hinahanap mo?” o, “Bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nakikipag-usap siya sa isang babae: Hindi katanggap-tanggap sa tradisyong Judio na makipag-usap ang mga lalaki sa mga babae sa publiko, pero kabaligtaran ito ng gustong ituro ng Kautusang Mosaiko. Lumilitaw na laganap ang pananaw na ito noong panahon ni Jesus. Iyan ang dahilan kung bakit kahit ang mga alagad niya ay “nagtaka” nang makita nilang nakikipag-usap si Jesus sa isang Samaritana. Ayon sa Talmud, pinapayuhan ng mga rabbi noon ang mga iskolar na “huwag makipag-usap sa isang babae sa kalsada.” At ayon naman sa Mishnah, sinabi ng isang rabbi: “Huwag masyadong makipag-usap sa mga babae. . . . Ang lalaking laging nakikipag-usap sa mga babae ay mapapahamak, mapapabayaan niya ang pag-aaral ng Kautusan, at mapupunta siya sa Gehenna.”—Aboth 1:5.
-