-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
may apat na buwan pa bago ang pag-aani: Nagsisimula ang pag-aani ng sebada sa buwan ng mga Judio na Nisan (Marso/Abril), panahon ng Paskuwa. (Tingnan ang Ap. B15.) Kapag nagbilang pabalik ng apat na buwan, makikita na sinabi ito ni Jesus noong buwan ng Kislev (Nobyembre/Disyembre). Malakas na ang pag-ulan sa buwang ito at mas lumalamig na ang panahon. Kaya lumilitaw na ang sinasabi ni Jesus na pag-aani na nagaganap na ay makasagisag at tumutukoy sa pag-aani, o pagtitipon, ng mga tao.—Ju 4:36.
maputi: Ibig sabihin, hinog. Ang salitang Griego na leu·kosʹ ay puwedeng tumukoy sa kulay puti at iba pang mapusyaw na kulay, gaya ng dilaw, na nagpapakitang ang mga tanim sa bukirin ay hinog na at puwede nang anihin. Ayon kay Jesus, “may apat na buwan pa bago ang pag-aani,” kaya malamang na ang bukirin ay berde pa—ang kulay ng bagong-sibol na sebada. Kaya nang sabihin ni Jesus na ang bukirin ay handa na para sa pag-aani, siguradong ang tinutukoy niya ay espirituwal na pag-aani, hindi literal. Sinasabi ng ilang iskolar na nang sabihin ni Jesus sa mga tagapakinig niya na tingnan . . . ang bukirin, posibleng ang tinutukoy niya ay ang mga Samaritano na paparating, at malamang na ginamit niya ang terminong “maputi” para tumukoy sa puting damit na posibleng suot ng mga Samaritano. O posibleng idyoma lang ito na nagpapakitang handa na nilang tanggapin ang mensahe.—Ju 4:28-30.
-