-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Cana ng Galilea . . . Capernaum: Ang layo ng Cana (Khirbet Qana) sa Capernaum ay mga 40 km (25 mi).—Tingnan ang study note sa Ju 2:1.
opisyal ng hari: O “tagapaglingkod ng hari.” Ang terminong Griego na ba·si·li·kosʹ ay puwedeng tumukoy sa isa na kadugo ng hari (ba·si·leusʹ) o sa opisyal niya. Dito, lumilitaw na tumutukoy ito sa tagapaglingkod, o opisyal sa palasyo, ni Herodes Antipas, ang tetrarka ng Galilea. Kilalá siya bilang “hari.”—Tingnan ang study note sa Mat 14:9; Mar 6:14.
-