-
Juan 5:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Sa mga ito ay may isang karamihan ng mga maysakit, mga bulag, mga pilay at yaong mga may tuyot na mga sangkap, na nakahiga.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Naroon ang maraming maysakit: Marami ang naniniwala noon na gagaling ang sinumang lulublob sa paliguang ito kapag gumalaw ang tubig. (Ju 5:7) Dahil diyan, nagpupunta dito ang mga maysakit. Walang sinasabi ang Bibliya na may anghel na gumagawa ng himala sa paliguan ng Betzata. (Tingnan ang study note sa Ju 5:4.) Pero sinasabi nito na gumawa ng himala si Jesus sa may paliguan. Sa ulat na ito, hindi lumublob sa tubig ang lalaki, pero gumaling siya.
-