-
Juan 5:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 “Sinasabi ko sa inyo, nagsisimula na ang panahon kung kailan maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang mga nagbigay-pansin ay mabubuhay.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga patay: Sinabi ni Jesus na nagsisimula na ang panahon kung kailan “maririnig ng mga patay ang tinig” niya, kaya maliwanag na ang tinutukoy niya ay ang mga taong buháy na nagmana ng kasalanan kay Adan at nahatulan ng kamatayan. (Ro 5:12) Para sa Diyos, walang karapatang mabuhay ang mga tao sa pangkalahatan dahil ang “kabayaran” para sa kasalanan ay kamatayan. (Ro 6:23) Sa pakikinig at pagsunod sa “salita” ni Jesus, ang mga tao ay makasagisag na ‘makakabangon mula sa kamatayan tungo sa buhay.’ (Tingnan ang study note sa Ju 5:24.) Sa Bibliya, ang terminong “pakikinig” ay kadalasan nang tumutukoy sa “pagbibigay-pansin” o “pagsunod.”
-