Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 5:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 “Sinasaliksik ninyo ang Kasulatan+ dahil iniisip ninyo na magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan nito;* at ang mismong nakasulat dito ang nagpapatotoo tungkol sa akin.+

  • Juan 5:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 “Sinasaliksik ninyo ang Kasulatan,+ sapagkat iniisip ninyo na sa pamamagitan ng mga iyon ay magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan; at ang mga ito mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:39

      Ang Bantayan,

      1/15/2005, p. 11

      6/15/2002, p. 13

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:39

      ang Kasulatan: Ang ekspresyong ito ay kadalasan nang tumutukoy sa Hebreong Kasulatan. Madali lang sanang makikita ng mga Judiong nagsasaliksik nang mabuti sa Kasulatan na si Jesus ang Mesiyas kung ikukumpara nila ang buhay at turo ni Jesus sa mga hula dito. Pero hindi talaga sinuri ng mga Judiong ito ang napakaraming ebidensiya sa Kasulatan na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas. Iniisip nila na magkakaroon sila ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kasulatan, pero hindi nila matanggap ang sinasabi nito na si Jesus ang daan para magkaroon ng buhay.—Deu 18:15; Luc 11:52; Ju 7:47, 48.

      ang mismong nakasulat dito: Mababasa sa Kasulatan ang mga hula tungkol sa Mesiyas na nagpapakitang si Jesus ang daan para magkaroon ng “buhay na walang hanggan” ang mga nakikinig sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share