Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 6:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ngayon, ang mga bangka mula sa Tiberias ay dumating malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay matapos magpasalamat ang Panginoon.

  • Juan 6:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 ngunit dumating ang mga bangka mula sa Tiberias malapit sa dako kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos na magpasalamat ang Panginoon.

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:23

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1303

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:23

      Tiberias: Isang lunsod sa kanlurang baybayin ng Lawa ng Galilea, mga 15 km (9.5 mi) sa timog ng Capernaum at nasa hilaga ng maiinit na bukal na kilalá noon. Itinayo ito ni Herodes Antipas sa pagitan ng 18 at 26 C.E. bilang bagong kabisera niya, at doon din siya tumira. Isinunod niya kay Tiberio Cesar ang pangalan ng lunsod bilang parangal sa Romanong emperador nang panahong iyon. At hanggang ngayon, tinatawag pa rin itong Tiberias (sa Hebreo: Teverya). Kahit ito ang pinakamalaking lunsod sa rehiyon, isang beses lang itong binanggit sa Kasulatan. Walang ulat na pumunta si Jesus sa Tiberias, posibleng dahil sa malaking impluwensiya rito ng mga banyaga. (Ihambing ang Mat 10:5-7.) Ayon kay Josephus, ang lunsod ng Tiberias ay itinayo kung saan may mga libingan, kaya marami sa mga Judio ang ayaw manirahan dito. (Bil 19:11-14) Matapos ang pagrerebelde ng mga Judio noong ikalawang siglo C.E., idineklara nang malinis ang Tiberias. Naging sentro ito ng edukasyon ng mga Judio, at dito rin nagpupulong ang Sanedrin. Dito tinipon ang nilalaman ng Mishnah at ng Palestinian (Jerusalem) Talmud. Dito rin nabuo ang tekstong Masoretiko na ginamit nang maglaon sa pagsasalin ng Hebreong Kasulatan.—Tingnan ang Ap. B10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share