-
Juan 6:33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay ang isa na bumababa mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sangkatauhan: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang Griego na koʹsmos ay pangunahin nang tumutukoy sa sangkatauhan o bahagi nito. (Tingnan ang study note sa Ju 1:10.) Sinasabi sa Ju 1:29 na si Jesus, na Kordero ng Diyos, ang nag-aalis ng “kasalanan ng sangkatauhan.” Sa Ju 6:33 naman, si Jesus ay inilalarawan bilang tinapay na ibinibigay ng Diyos, ang paraan ni Jehova para magbigay ng buhay at pagpapala sa mga tao.
-